Nag-iisa Wala Ka Na

Papalubog na naman ang ilaw
Nagpapaalam na naman ang araw
Ang gabi ay muling mamayani
At ang lamig ay hahaplos sa pisngi

Ilang araw na ang lumipas
Magmula nang ika'y magpaalam
Ilang gabi na ang nagdaraan
Ang pag-iisa'y 'di na 'di na makayanan

Ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi
Ngunit kailangan kong tanggaping wala ka na sa tabi
Nag-iisa wala ka na
Wala ka na nag-iisa

Alaala'y nagbabalik sa isip
Mga larawan ng bawat sandali
Pag-ibig nating sinumpaan
Pinangako sa liwanag ng buwan

Hmm

Ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi
Ngunit kailangan kong tanggaping wala ka na sa tabi
Wala ka na nag-iisa
Nag-iisa wala ka na

Oh

Ngunit kailangan ko nang masanay
Tanggapin na lumisan ka na ng tunay
Ang lahat lahat ay bubuti ang pag-ibig ay mananatili
Langit lagi hanggang sa walang hanggan

Trivia about the song Nag-iisa Wala Ka Na by Noel Cabangon

When was the song “Nag-iisa Wala Ka Na” released by Noel Cabangon?
The song Nag-iisa Wala Ka Na was released in 2014, on the album “Acoustic Noel”.

Most popular songs of Noel Cabangon

Other artists of Asiatic music