Naroon Sa Rosas Ang Mahal Niyang Dugo

Naroon sa rosas ang mahal niyang dugo
Naroon sa bituin mata niyang kay ningning
Kinang ng katawan ay hamog ang anyo sa ulan
Ang luha niya ay naroon din

Ang mukha niya'y hayag sa bawat bulaklak
Ang kulog awit ng ibon ay kanya ring tinig
Bawat batong matitigas ay sulat ng kamataya't
Siya ang bulong

Ang lahat ng landas pudpod ng paa niya
Ang hampas ng dagat puso niya ang tibok
Bawat munting tinik ay kanyang korona
Bawat punong kahoy ay nakadipang krus

Ang lahat ng landas pudpod ng paa niya
Ang hampas ng dagat puso niya ang tibok
Bawat munting tinik ay kanyang korona
Bawat punong kahoy ay nakadipang krus

Naroon sa rosas ang mahal niyang dugo
Naroon sa bituin mata niyang kay ningning
Kinang ng katawan ay hamog ang anyo sa ulan
Ang luha niya ay naroon din

Naroon din
Naroon din

Most popular songs of Noel Cabangon

Other artists of Asiatic music