Pagsibol

Bawat huni ng ibon sa pag-ihip ng amihan
Wangis Mo'y aking natatanaw
Pagdampi ng umaga sa nanalamig kong kalamnan
Init Mo'y pangarap kong hagkan

Panginoon Ikaw ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kailanpaman
Ipahintulot Mong ako'y mapahandusay
Sa sumasaimbayong kaginhawahan

Nangungulilang malay binulungan ng tinig Mong
Nagdulot ng katiwasayan
Paghahanap katwiran nilusaw Mo sa simbuyong
Karilagan ng pagmamahal

Panginoon Ikaw ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kailanpaman
Ipahintulot Mong ako'y mapahandusay
Sa sumasaimbayong kaginhawahan

Paghahanap katwiran nilusaw Mo sa simbuyong
Karilagan ng pagmamahal

Panginoon Ikaw ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kailanpaman
Ipahintulot Mong ako'y mapahandusay
Sa sumasaimbayong kaginhawahan

Dalangin pa sana'y mapagtanto kong tunay
Kaganapan ng buhay ko'y Ikaw lamang

Trivia about the song Pagsibol by Noel Cabangon

When was the song “Pagsibol” released by Noel Cabangon?
The song Pagsibol was released in 2015, on the album “Huwag Mangamba (Mga Awit Ng Pagtatagpo)”.

Most popular songs of Noel Cabangon

Other artists of Asiatic music