Pasko Ng Pagbibigayan

Heto na ang panahong pinakahihintay
Taon-taon dumarating lahat tayo'y nag-aabang
May kung anong simoy ng hangin tila nag-iiba
Bawat isa'y mayroong galak kaibang tuwa

Unti-unting nagbabago'ng nakikita ng mata ko
Naglalabasan ang mga parol palamuting kung ano-ano
Nagiging makulay mga ilaw sa paligid ko'y tanaw
Heto na nga at naririto na ang araw ng pasko

Pasko na naman sa aking bayan
Pagbibigaya'y muling mararamdaman
Pasko na naman ng kanyang pagsilang
Halina't ating salubungin at ipagdiwang
Do do do do (do do)

Paroo't parito ang mga tao at sasakyan
Kaya't sobrang sikip at abala'ng mga lansangan
Natataranta at nalilito sa dami ng pagpipilian
Basta't mayroong regalo ay sapat na 'yan

Kumakatok ang mga bata sa bawat tahanan
Wala man sa tono'ng pag-awit ay kailangang pagbigyan
Kahit konti'y mahalaga'y maaabutan
Ang higit pasasalamat naman nila ay walang hanggan

Pasko na naman sa aking bayan
Pagbibigaya'y muling mararamdaman
Pasko na naman ng kanyang pagsilang
Halina't ating salubungin at ipagdiwang

Pasko na naman sa aking bayan
Pagbibigaya'y muling mararamdaman
Pasko na naman ng kanyang pagsilang
Halina't ating salubungin at ipagdiwang
Do do do do (do do)

Trivia about the song Pasko Ng Pagbibigayan by Noel Cabangon

When was the song “Pasko Ng Pagbibigayan” released by Noel Cabangon?
The song Pasko Ng Pagbibigayan was released in 2011, on the album “Panaginip Christmas (Special Edition)”.

Most popular songs of Noel Cabangon

Other artists of Asiatic music